Monday, September 14, 2009

Sorry.

I'm planning to write an open letter for my boyfriend but it's too late na and namamaga na mata ko. Ayoko na dagdagan pa. For now, all I want to say is that I'M SORRY. These past days, months, years, I've lost something in me and I don't know how to bring it back now. I really miss my old self. I miss being the young, cheerful, happy, friendly, high spirit, childish, sweet and very considerate precious girl. What's the cure? I think I need to spend more time with my self alone on the coming days, and starting tonight, I should write down these things that I need to cut off from my nerves and find my old soul. I need to start writing this novel-type of letter to God and drop by Padre Pio Chapel within this week to offer my prayers and petitions.

SORRY, baby. Sorry, everyone. Ayen isn't a good person. Karen's lost. But I promise to find her and bring her back. Sorry for the people I've hurt. Sorry for the people I've left. Sorry and I'm so sorry.

I don't know you, Ayen. Goodbye. Leave me alone.

Karen... where art thou? I miss you. Everyone misses you.

Saturday, September 12, 2009

I'm back!

Hello fans! Haha YAK. Sa wakas nakabalik narin at ginanahan mag blog. Promise talaga! Mapapadalas na ang pagba-blog ko. P-R-O-M-I-S-E talaga!

Okay, bakit nga ba ko biglang napatakbo sa iyo, my dear blogspot? Napa-praning na kasi ako sa pag-aaral. Bakit ganun? Ilang araw na ko di pumapasok at sinusulit ang lahat ng cuts ko sa mga subject. Ang malala pa, F ako sa Quantitative Stats namin! Tanggap ko pa kung uno eh. Pero F!? What the F! Hahaha!

Nawawalan na ko ng gana sa pag-aaral. Ewan ko ba. Walang motivation, walang excitement, wala lahat! Taenang yan. Magpapaka-salitang kalye ako dahil di ko talaga alam pano ko ilalabas ito. Nababanas ako na naiinis. Nao-OP na ko sa college life/college world ko. Stuck up parin ba ko sa mga HS friends ko? NAH. They're the best people to be with in times na nawawala ako sa sarili ko. They have this power para ibalik sakin what am I talaga. This has nothing to do with my relationship with college buds. Naaano lang ako... sobrang EWAN. Walang wala na talaga akong gana pumasok, SWEAR. Pooooot ahhh.

Gusto ko mag shift ng course, much better ay lumipat ng school. Gusto ko din ng madaming extra-curricular. Gusto ko talaga magawa mga cheverloo sa buhay ko.

Lord! Bakit!?!? Heeeelp!!! :(

Thursday, August 13, 2009

Don't make it too late for you and your white horse

I'm not a princess, this ain't fairytale
I'm not the one you'll sweep off he feet
Lead her up the stairwell...

'Cause I'm not your princess, this ain't a fairytale
I'm gonna find someone someday
who would actually treat me well...
White Horse by Taylor Swift. Ilang beses ko na narinig, pero kaninang umaga nung pinalabas sa MYX napatulala ako at na-LSS na 'ko. Natamaan ako sa lyrics, teh! Natulala ako. Napaisip... at nag activate nanaman ang unlEMOted. Nakakairita diba? HAHAHA :)

Kidding aside... Where art thou, prince charming? Sabi mo prinsesa mo ko and you'll treat me as one. Bakit ganito? Bakit ganyan?

Dagdag pa 'tong sila Princess Janelle at Prince Gian ng Princess Hours oh. TSK.

Nami-miss ko na kasi ang mag date, ang may ka-cuddle, mga lambingan, cheesy messages, and may nakakausap when everyone seems to be busy.

Ngayon, hindi na kita mahatak whenever I need you, pag gusto ko manood ng sine, ni hindi na kita mayaya ma-date. Mapagbigyan naman ako, you're still pre-occupied with business stuffs. You're mind is still thinking about what might be happening at the office, etc. Minsan nakakapagod na makita 'yung ganon. At napansin ko, I wasn't like before na. I lost the activeness, 'yung childishness, 'yung pagiging sweet, masayahin and full of hope. And why I can't be me when I'm with you? Tahimik lang ako and as if I always want the time to move fast. Sometimes I'd rather choose to be with my friends than to be with you. Sometimes, I would opt not to reply to your "common" and "usual" messages.

Alam mo 'yung nakakasawa? Nararamdaman ko na 'yun eh. Pero sinasabi ko nalang sarili ko, I might still wait until the time you've gotten your car na. Dahil sabi mo, babalik din sa dati. Mapapadalas na ang pagdalaw mo dito, we could even go to different places na. Pero bakit natatakot ako? Bakit parang di na ko naniniwala sa'yo?

Minsan ayoko na talaga. Please... pano na ba ito. Natatamad na ko maghintay. Lagi nalang ganun.

Sana naging client mo nalang ako, para mas nabibigyan mo ko ng priority. Sana naging isang business company nalang ako para dun mo ibuhos lahat ng oras mo. Sana naging pera nalang ako, para gagawin mo ang lahat maipon mo lang ako.

Wag sana maging huli ang lahat pagdating ng panahon...

Friday, August 7, 2009

Nakaka-miss ang...

sinusuyo ng lalake, pinapakilig, kinukulit, inaasar, inaalalayan, tinititigan, at yung may halos mabaliw sayo. Hindi ako malandi, pero close ako sa mga lalake. At kahit brusko't macho man ang tingin nila sakin, hindi ko alam kung ano pa ang nakita nila... tuwang tuwa sila sakin. (Mehganooon!? Oo, may ganun! hahahaa!)

Nami-miss ko lang sila na may nakakausap ako sa kahit anong topic - kahit sa pakikielam ng buhay ng langgam. Nami-miss ko yung kahit na inaapi nila ako, handa nila ako ipagtanggol. Nami-miss ko yung kahit wala akong boyfriend, kahit sinong hatakin ko sa kanila, pwedeng pwede ako tulungan. Nami-miss ko yung sadistang alaga nila. Nakaka-miss ang mga high school guy friends ko.

Sana kasama ko parin sila. Para kahit nauulila ako ng ganito, nalulungkot, napipikon, at nasasaktan sa paghihintay at pagmumukhang tanga, andyan sila para patawanin ako. Hindi ko nga alam kung anong klase ang sense of humor ng mga yun, huling huli nila ang hagalpak ko.

Nami-miss ko lang din yung may aalalay sakin sa pagdala ng gamit, sasamahan ako pag mag-isa ako.. susunduin ako sa room, at kakasunduin isa-isa ang mga best friends ko - kahit anong klaseng pangti-trip pa ang gawin nila sa kanya.

Walang particular person. Pero nami-miss ko sila Leigh, Kevin, Earl, Topi at Robles. At minsan, pag naaalala ko si Ralph Co, kinikilig ako sa mga titig at kung gano siya ka-torpe nun sa akin. Nami-miss ko maging prinsesa :)

Not all of us are EDUCATED Filipino

Last year, sabi samin ni Ms. Adame during our Philippine Literature class, it doesn't mean na you came from a good school, graduated with a degree or even took up your masters, isa ka nang EDUCATED FILIPINO.

She once asked us what we know about what's happening to our country. Natahimik kami. Dahan dahang tinignan ang isa't isa.

I admit, I do not know much about what is really happening to our country. It's not that I don't care for my countrymen. Nakakarindi na kasi ang issues and puro patayan, nakawan at kung ano ano pa ang maririnig mo. At isa pa, I hate PGMA. Why? I really can't justify why. I JUST hate her.

Pero since Pres. Cory Aquino's death, halos tutok na ko sa news. I was really moved and was awaken from being walang pakielam to being honored as a Filipino. Naiyak ako and nagulat dahil sa reaction ng buong bansa and the testimonies about her. I really don't know her - ofcourse. What I mean is, what she did when she was still the President of the Philippines, her advocacies and other programs and activities. Ang alam ko lang, siya ang first female president of the Philippines, byuda ni Ninoy Aquino ay nanay ni Kris Aquino.

Naging instant fan and idolater ako in the making. Lahat ng plurk at tweet ko, puro tungkol kay Pres. Cory.I cried while watching the special programs dedicated to her, and the testimonies of the people very close to her. And that's when I realized how important Edsa Revolution was to all Filipino people.

But when I read from one of my brother's friend's plurk, na nagalit nga daw si Willie Revillame dahil may naka insert vid sa screen habang ine-air ang Wowowee (see full story here), ay nagalit ako talaga. Talk about being bastos and mayabang.

So I now promote this sign up sheet for you to sign to oust Willie Revillame and para tanggalin na ang show na Wowowee. Tama nga naman yung isang comment na nabasa ko regarding this issue about Willie R. and his show, Wowowee na wala naman talaga katuturan yung show. Ano nga ba maganda dun? Habang pinagmumukhang tanga ni Willie ang mga candidates ng Willie of Fortune at pinaglalaruan sila at lahat ng mga kayabangan niya. Never akong naging fan nito pero minsan narin akong naging manonood nitong noon time show na ito. At ang masasabi ko lang, the best parin ang Eat Bulaga. I think, ABS CBN could put up another show naman na hindi na si Willie ang host. Ang dami pang ppwede oh. Sangkaterba ang mga artista niyo pero yung mga nakakainis, sila pa yung nagkakaroon ng projects. PALAKASAN MODE BA?

Ayun lang. Let's all be educated Filipinos. Let's start changing ang mga di magagandang nakasanayan na.

Tuesday, August 4, 2009

Ako'y naguguluhan...

sapagka't hindi ko na alam kung ano pa ang tama at kung ano ang nararapat. Ang buong mundo'y nagluluksa sa pagkawala ng isang napakahalagang tao ng kasaysayan ng Pilipinas habang ako, pinapairal ko ang pagka-emo ko o ang mas tinatawag namin ng Abnuy na Punay Syndrome. Masyado na kasi ako nalulungkot, nasasaktan, naiinis, nagagalit at ayun nga, naguguluhan.

Nagwo-work out pa ba? Kailangan ko pa bang hintayin na makuha mo yang minimithi mo bago ko maramdaman na may boyfriend pa ako? Hindi ko kailangan yan. Mas masaya parin akong nagco-commute. Hindi ko din kailangan ng pera mo o ng kahit ano pa man. Salamat sa paghahanda ng "future" natin. Oo nga, ang isa't isa na ang gusto natin makasama sa forever. Pero habang tumatagal, YUN PARIN KAYA ANG GUSTO KO? Hindi ko na kasi makita ng malinaw ang mga bagay bagay ngayon. Asan ka na? Katabi kita, pero di kita maramdaman. Buti pa ang hangin kahit di ko nakikita, nararamdaman ko naman.

Nagmamanhid na kasi pakiramdam ko. Lalo na puso ko. Wala na kong pasensya. Wala narin akong tiwala. Wala na... wala na. Sawa na kaya ako? Nakakatawa lang na halos lahat ng kaibigan ko, pinapasuko na ko. Karamihan sa kanila, ang nakasaksi ng lahat sa atin. Ng LAHAT. Mula't sapul, JUREN fans na sila. Pero ngayon, ano na?

Kung gusto mo pa ko sa buhay mo, hawakan mo lang ako. Ako na mismo nagsasabi sayo, hindi na ko nakahawak. Nanghihina na ako. Nauupos na ko.

Saturday, August 1, 2009

Kailangan ko na maging loyal sa aking blogger account. HAHA ang tagal ko nang hindi nakapag share. Ang dami narin nangyari... mukhang di ko magagawang isa-isahin pa.

First of, prayers to Pres. Cory Aquino who just passed away this morning. Nagulat ako nung pagbukas ko ng tv kaninang pagkagising ko, 'yun agad ang bumulaga sa akin. Pero good for her, tapos narin yung mga pain and paghihirap niya sa sakit niya. She will now be with our Creator at makasama niya na ulit ang kanyang pinakamamahal na asawa :)

I didn't use "Former President" for Mrs. Cory Aquino. Honestly, I don't treat Gloria Macapagal Arroyo as a leader of our nation. And since Pres. Cory done nothing but goodness to her countrymen.

How's my heart nga pala? HAHAHA somehow, we're fine but not good. We still text but I am not my usual baby-sweety self. Still bitter and still hurt. I love him SO MUCH. I think Angie's right. I should do some changes if I want to be treated right. THANKS, FRIEND :)

He's now in Laguna attending our company's team building seminar. I do hope... makakapag isip din siya don. Ayoko na maging basta textmate lang. Gusto ko maramdaman... GIRLFRIEND mo ako at may karapatan ako sayo :)

Wednesday, July 22, 2009

Random facts about me:

01. I'm the first apo sa side ng mother ko.
02. 99.9% possibility that when my YM status is busy, IT ISN'T TRUE AT ALL. Unless, I stated the things that I need to finish within that day, then it's true and fuck off.
03. I am NOT afraid of cockroaches, mouse and lizards. But I'm afraid of ALUPIHAN. Eeeeee!!!
04. I love watching teleseryes.
05. I always wanted to be an actress.
06. I sing. I can. But I'm not good.
07. I love to dance... alone.
08. I just had TWO serious (very serious) relationships out of eight relationships that I had - it means, I spent years and years of love with these guys.
09. I love to flirt... in a very unobvious way.
10. I WAS a Jolina-Marvin follower. HAHAHA!
11. My specialty in cooking are hotdog, hard boiled egg, scrambled egg and pancit canton.
12. The first matinong dish that I have cooked was Menudo during our Home Economics project nung grade six ako.
13. I am a certified class secretary for eight straight years (grade three to fourth year high school).
14. I am very conscious of my looks... during non-school days.
15. I am dugyot.
16. I can't swim.
17. But now I can.
18. Madali ako magsawa.
19. I really have no plans for the future. All I want is to enjoy every single moment with the people I love.
20. I love to eat. Yes, that really is a FACT. hahaha!





More to come!

Sunday, June 21, 2009

Happy Father's Day!


I WAS once a papa's girl. Naaalala ko parin yung mga panahon na mago-overtime siya sa work para lang may uwi siyang laruan sakin galing pang Toy Kingdom.

A short flashback: fifteen years ago, we can't afford expensive things. Nakikitira kami sa parents ng mama ko, lolo ko nagpapa-aral sakin + daily supply of baon and hindi graduate si papa ng college. I once saw his report card at ang nakita ko ay isang bonggang bonggang DROPPED sa bawat subject. Hindi dahil bulakbol siya at pabaya. Since high school, naulila na sila papa. Mahirap lang sila non. So he needed to work hard para makatulong sa kanilang magkakapatid. Pangatlo siya sa limang magkakapatid at eldest sa mga lalake. Nasubukan na niyang maging waiter at kung ano-anong raket, pinasukan na niya. Kung tutuusin nga daw, lahat na ng trabaho napasukan na niya. Just to support his family. Hanggang sa naging isang consistent watch repairer siya. Nakapagtrabaho na siya sa mga company ng Bulova at Rolex. Isa siya sa pinaka mahuhusay mag-ayos ng relo.

Every Holy Thursday, nilalakad niya from Robinson's Galleria hanggang Antipolo. Alay lakad ba. Nagsimula kasi yan nung pagkapanganak sakin. Napakadami ko daw suero nun - including sa ulo. May sakit yata ako nun eh, at ang sabi pa nga, may body parts pa kong tabingi. HAHAHA ang comedy pero sobrang nakakaawa daw itsura ko nun. Nung nag alay lakad siya, as in sobrang dasal daw siya sa paggaling ko. Milagro daw, gumaling nga ako. Kaya since then, nagtuloy-tuloy na siya sa pagaalay-lakad. Mga 19 years narin ah.

Habang lumalaki at tumatanda ako, napapalayo ako sa papa ko. Hindi ko alam kung bakit pero dahil narin siguro lumaki akong lagi siyang full time sa trabaho. Madalas pa niya ko makagalitan at mabatukan dahil sa sobrang kalikutan ko.

Naaalala pa niya lahat ng masasayang ala-ala ko nung bata ako. Siguro, kung may taong mapagtatanungan kung sino ba talaga ako, siya ang makakasagot nun.

I miss you everyday, papa. I always do. I miss being your princess and I miss your warm hugs. I love you so much. Thank you :)






Napakadami ko pa sana isusulat. Kaso I started crying na. Next time nalang :)

Thursday, June 18, 2009

fourYEARS and nineMONTHS